ADVANTAGES OF HAVING AN ADDITIONAL SOURCE OF INCOME
Ang pagkakaroon ng additional source of income ay parang spare tire ng isang sasakyan, you'll never know when you'll need it, pero the best thing is you're prepared!
Sa note na ito, bibigyan ko kayo ng advantages bakit kailangan mo na magdagdag ng source of income as soon as possible. And here are some of the advantages:
1. Meron kang makukuhanan in case of emergency. Kung aasa sa sweldo, baka mauwi ka pa sa sandamakmak na utang, sino kawawa? Ikaw parin.
2. Pwede mong mabili ang mga "WANTS" mo. Ang sweldo mo ay sapat lang para mabili ang mga "NEEDS" mo, kaya madalas na nangyayari ay isang kahig, isang tuka. Ang pay-slip mo ay literal na dumudulas lang sa mga kamay mo.
3. Makakaipon ka at hindi ka kakabahan pag umabsent ka sa work in case may sakit ka. Remember sa trabaho mo: No work, no pay. Merong absence with pay pero hindi yan forever.
4. May maibibigay kang tulong sa nangangailangan. Kahit gaano mo kagusto tumulong kung wala ka naman pera, edi wala rin.
5. Hindi ka tatandang aasa sa maliit na pension or aasa sa sweldo ng iba. May sarili kang pera, magreretire ka ng maaga, maeenjoy mo ang buhay dahil magagawa mo ang mga gusto mong gawin, makakatravel ka pa sa iba't ibang lugar.
6. You deserve to live a life of abundance and full of blessings. Hindi full of misery and stress. Hindi ka pumasok sa school ng 14 years para kumita lang ng 4 digits every month. Yung iba kahit may degree ay walang choice kundi mag-apply sa call center (which is not bad rin naman, pero nakakalungkot diba?) and worse, unemployed pa.
7. Money will not make you happy, pero ang kayang bilhin ng pera? Yun ang magpapasaya sa maraming tao na nakapaligid sayo. Mabibilhan mo ng magandang kitchen showcase nanay mo, mabibilhan mo ng magandang sofa para sa sala nyo, etc. (I hope you already get my point.)
8. Mas malaki ang chance na maiahon mo sa kahirapan ang family mo. Maraming tao ang nagsasabi na "Okay na ako sa simpleng pamumuhay." dahil nga wala na silang ibang naiisip na paraan pano magpadami ng pera. They are afraid to get out of their comfort zone.
9. Hindi mo na kailangang mapalayo sa pamilya mo. Maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa pangako ng mas malaking income. Alam nyo ba na sa placement fee na pambabayad nyo ay makakapagsimula na kayo ng isang matinong negosyo dito sa Pilipinas?
MY PERSONAL ADVICE:
Marami pang pwedeng maging advantage ang may additional source of income. Wala akong nakikitang pwedeng maging disadvantage nya. Unless maging greedy ka at gamitin mo sa masamang paraan pera mo or nagagawa mong manloko ng iba, tama? Karamihan lang kasi ng mga pinoy ay sanay or naipasa pasa na sa bawat henerasyon na nakafocus lang sa "MAG-ARAL KA NG MABUTI PARA MAY MAHANAP KANG MAGANDANG TRABAHO." kaya hindi tayo sanay magnegosyo.
I hope kahit papano ay may narealize ka sa post na toh. Pwede mo ring i-SHARE sa mga friends mo para lang ma-open sila sa posibilidad na PWEDE PO NATING MAABOT ANG ATING PANGARAP WITH THE RIGHT KIND OF OPPORTUNITY, MAGING OPEN MINDED LANG PO TAYO. Hindi po tayo papayamanin ng pride at duda. Hindi po tayo papayamanin ng mga kakilala nating tambay at negative na tao.
Kung wala kang gagawin ngayon, 3 years from now ganyan parin ang buhay mo. Mahirap tanggapin pero subukan mong magcompute ng earnings mo at ipon mo at tignan mo kung sapat ba yun para mabili mo ang pangarap mo para sa pamilya mo. Wag mong hintayin na umabot ka pa sa 60 years old bago ka magsimula ng negosyo mo, mahina ka na para maenjoy ang pinaghirapan mo. Kung pwede namang magsimula ng maaga, bakit hindi? Anong pumupigil sa'yo? Masipag ka, alam mo yan, ilagay mo yan sa tamang opportunity, tiyak, wala pang 45, retire ka na.
LIKE & SHARE if you agree!
© Raffy Ballesil